PANIMULA
Masaya at magandang araw sa iyo!
Ano ang iyong pangalan?
Mahusay!
Isang masayang panimula sa eskwela ang matutunan ang mga letra at bilang.
Alam mo ba na maging ang iyong pangalan ay may mga letra?
Sa Modyul na ito, tuturuan kang makilala ang mga letra at bilang na bahagi ng unang hakbang mo sa pagkatuto.
Masayang pag-aaral na may interaktibong palaro ang handog naming sa iyo KID!
Kaya, tayo na’t matutong magbasa at magbilang!